adventures
Tuesday, December 27th, 2005Though I feel like writing, I cant think of anything significant or worthwhile to write. Hay…
Of course, again, I am longing to travel somewhere. I am forever itching to go somewhere… The last travel I did was two weeks ago, when my bro and I went to Aurora. Sige na gani, I’ll write about it na lang.
Two days before I went to Aurora, I didnt even know that my leave has been approved until at past 3pm. So by then, I was fussing over whether I should push ahead with the leave or not. I asked ate G if I could move my leave but she said everything has already been set. So I was left with no choice but just stay in Aurora for a night.
It was supposed to be a solitary trip but everyone at home, especially Papa, wouldn’t let me travel to Aurora alone. Even if I begged… I was even thinking of leaving the house quietly at 2am just to go ahead with it. Thank God, my auntie made a wonderful suggestion - bring along my youngest brother.
At 330am, we were heading to the Genesis bus terminal near the MRT Taft station. Fare costs about PHP 340 but I only paid over PHP 250 ata for my bro - student discount. It was a long trip - almost over 8 hours but my brother didn’t complain even once. The whole time I was either asleep or reading.
We arrived in Baler at almost 1pm… then took a trike to take us to Bay’s Inn at Brgy. Sabang. After leaving our things in the room - a non-aircon good for two with own T&B only for PHP 350/night, we ate our late lunch at the resto because I promised my bro a filling lunch. Yun lng hiningi - dapat masarap ang pagkain. Afterwards, we walked by the beach. I just took some pictures (which weren’t good because I didnt have any good camera, next time, next time), marveled at the sight, and watched my brother chased the surf and met head-on the waves. By past 3pm, my brother already asked me to go back to our room and get some rest even if I still want to walk some more. Naawa naman ako sa kanya kasi nilalamig un and matatakutin un (takot mag-isa, hehe, binisto), so I just went back to the room.
I was supposed to wait for the sunset but we overslept… we woke up at almost 6pm na. Since it was kris kringle day when I was on leave, I just promised to leave my gift beforehand and email my baby (who happened to be ate Riza) on the day of exchange gifts. Good thing, there’s Internet service there… I was able to email ate Riza. After the email, we ate dinner sa hilera ng mga turo-turo harap ng hospital. Pagkatapos ng dinner, bumalik ng Bay’s Inn. Naglakad-lakad ulit sa tabing dagat, nagsulat sa buhangin, stargazing… tapos kumain ulit. Bro ko lang, actually, ang kumain… ako uminom lng ng milo. Ang bait naman ng bro ko naghahanap ng gatas.
Nagulat ate ko nang nagtext ako at past 9pm to tell her na matutulog na kami at 8am kami aalis ng baler. Record nga un kasi my normal sleeping time is 2am.
Early in the morning, mga quarter to 5am, gising na ako kasi balak ko talaga abangan ung sunrise. Lumabas ng kwarto at naglakad malapit sa tabing dagat mag-isa… isa lang ang masasabi ko - ang ganda ng kalawakan pag stars at moon lang ang nakikita mo habang pinapakinggan ang paghampas ng alon (o di ba, nagiging poetic tuloy). Bumalik ako sa kwarto para kunin ang discman, notebook, at ballpen, pati na rin ang kamera, baka sakali mainspire ako magsulat. Maya-maya, nagising na rin kapatid ko at sinamahan ako sa paghintay ng pagsikat ng araw. Kung maipipinta ko lang gamit ang salita at pangungusap para mailarawan kung gaano kaganda ang akin nasisilayan sa araw na iyon, gagawin ko pero wala akong talent para sa ganyan. Iba ang feeling habang pinagmamasdan ang horizon sabay nakikinig sa coldplay… mas lalo kong naappreciate si Chris Martin at ang mga kabanda nya. Nakakaalis ng pagod panoorin ang isang pamilya naglalakad sa dalampasigan, ang mga kabataan na nagjojogging. Maya-maya rin ay nagjogging din ako sa may tabi ng dagat habang pinili ng kapatid ko na maglakad lang. Sana araw-araw ganun ang buhay ko, tumatakbo sa may tabing dagat… nakikinig sa gusto kong music.
Nag-almusal muna kami bago lumisan pabalik ng Manila… medyo nalungkot ako sa pagpaalam sa alon, sa dagat, sa buhangin… Alam ko babalik ako doon isang araw, di ko pa naexplore ang lugar. Sa susunod, sa susunod.
Sa pagtatapos ng taong 2005, masaya naman ako at marami din akong napuntahan… Nagsimula sa Cebu at Malapascua Island nung February 11-13, sinundan ng Zambales nung March 20, sa Munting Buhangin, Batangas nung April 4, sa Puerto Galera nung May 29, sa Mt. Manabo nung August, at nagtapos sa Aurora nung December 6 to 7. Sana sa darating na taon mas marami pang marating na lugar, maraming pang kwento tungkol sa mga adventures ang aking maibahagi. I sound like i am doing a spiel for year-ender show. LOL.