adik

sabi nga ni rizzalyn, siguro bored na bored ako lagi kasi lagi na lng may bago sa friendster ko. hahahahaha….

Dati naman di ko to pinapansin to, nahawa lng ako kay myan na seatmate ko dati. Araw-araw, pag wala nang ginagawa or antok na sya, nagtatake a break sya by checking her friendster account. sige ako din, tutal wala na akong ginagawa hanggang sa nagiging habit ko na araw-araw pag-idle na ako… magpost2 ng mga survey, magupdate ng blog, maglagay ng picture… etc… Kahit hindi na idle, kahit dapat matulog na ako, magfifriendster pa rin. Symptoms of being an addict na ba ito? hehe

May bagong album pala ang Sandwich. Nakita ko sila tumutugtog ng bagong kanta nila sa groupee TV… O di ba nanonood na ako ng mga ganyang shows… hehe… parang dunk na din ang tugtog nila. Di ko na maalala ung title ng album, basta may floor at five na words.

Napanood ko na ung Memoirs (as if may nagcacare kung ano pinanood ko hehe)… Maraming binago sa story… Sympre iba pa rin ang libro… kaya lang maganda din sya panoorin kasi mas ma"feel" (wala na akong maisip na word, sensya na) mo ung love story nina Sayuri at ng Chairman. May darating talaga na tao sa buhay mo na magbibigay ng hope at meaning sa buhay mo…. ito ang ipinakita ng movie.

Ang cute naman ng kapatid ko, sabi ba naman sa akin… interesado akong panoorin kasi napanood sya ng crush ko. Ayaw pa sanang sumama pero nang sinabi ni Mama na Memoirs, sumama na rin. Kung anu-ano na pinagkukuwento ko.

Leave a Reply