libro
magkukuwento na nga lang… nag-uubos ng oras
After reading “Bridges of Madison County,” I got interested in Robert James Waller’s other works. On Friday, I bought his “Slow Waltz In Cedar Bend” (parang mali ata ung title na sinulat ko). Biyernes, naghahalungkat ng mga second-hand books sa glorietta with Rosary… nagbabaka-sakaling may makitang ‘good’ buy. True enough, marami nga. Isa na nga dun ung kay waller na novel. Nasimulan ko na sya kahapon… at nanotice ko lang iisang tema ang gusto ni Wames - ung tipong pursuing the one who got away. At ang mga characters ng stories nya lagi mga way beyond 40 years old… at ung lalaki lagi mahilig magtravel… parang free-spirited.
Lima din ang nabili ko nung Biyernes… Judy Blume’s Summer Sisters, John Updike’s collection of short stories, Spring Moon ni Bette Bao Lord (hay limutan ko na name nya, pero meron eto dati sa bahay), at Reading for Young Children…
Ang nairekomenda ko kay Rosary, apat… gusto ko nga ung isa na binigay ko sa kanya - ung kay Hijuelos, nagsulat ng Pulitzer Prize-winning Song of Mambo Kings. Yung iba See Jane Run ni Joy Fielding, nabasa ko to minsan during one of my boat trips going home from Iloilo, maganda to… mystery genre. Yung isa ung Bridges - sobrang recommended ko to na libro… tulad ng Casablanca na movie, dito ipinapakita ang tunay na pag-ibig ay hindi madamot. (Teka bat palaging may about sa love ako ngaun, ano to post-valentine trauma… drama?)
Anyway, narediscover ko ang musika ng Imago… saka namimiss ko manood ng gigs. Lately, kahit gusto ko man, wala akong oras… sayang talaga kasi kahapon Urbandub, eh miss ko pa naman kumanta ng walang pakialam kaya lang pagod na talaga ako… wala pang sapat na tulog dahil the other day, lumabas din with rosary, pao, at rizzalyn.